Posts

Erras Ramen sa Malate

Image
  Itaas ang kanang kamay at kaliwang paa ng mga Ka-Eats diyan na nakatry na sa Erras Ramen (located at 1755 Adriatico Street, Malate). Sa mga hindi pa, ok lang naman, pero be sure na mapuntahan at matry nyo tong lugar na to. Daming tao o. (see picture above)  Madali lang naman puntahan kung ikaw ay naka taxi or grab, pero basta makarating ka sa Robinsons Place Manila, walking distance na lang ang Erras mula dito. Magtanong-tanong na lang sa mga mamasang at mga sexy girls na nagkalat sa daan. (Magpigil muna na wag mahatak sa mga biglang liko dahil nga focus muna tayo sa Erras, okay?)       Pagkabigay saken ng menu, Vest Ramen in Town ang nakasulat. Di naman yan magiging VEST kung wala lang diba?  Bago ang ramen, syempre appetizer muna. Maraming choices. Lahat naman yan masarap kainin lalo na at sa tabi ng kalsada ang location.   Malutong at masarap ang chicken skin nila, paired with a special dip. (suka) at nagkakahalaga pala ito ng P60.00. Mga konting dasal na

Iced Gems

Image
Flashback muna ang feels ngayon, mga Ka-Eats! Sino ba ang hindi nakakakilala sa iced gems na madalas nating baon sa school o pulutan habang nanonood ng Ghost fighter, Time quest, Remi, Heidi, Julio at Julia at Eat Bulaga? Available ang iced gems sa mga suking tindahan lalo na sa mga bangketa o sa tabi-tabi ng mga tindahan ng mga pekeng cellphones at casing. O, diba mga Ka-Eats, multi-colored na iced gems sa aking palad. Dali, takbo na at simulan ang paghahanap. Ganoon pa din ang lasa niya, masrap pa din. Hindi ito ang tipong biskwit na kadalasan ay binabalewala dahil sa mga palaman o sa mga matatamis na topping. Masarap (ulit-ulit lang?). Pinakamasarap ang kulay violet. (LOL) Ang isang malaking pack nga pala ng iced gems ay nagkakahalaga ng P100. Sulit na kasi kalahating kilo! Imagine! (500grams para sa mga di nakakaalam :-( haha )

Palamig sa Summer

Image
Hi mga Ka-Eats, napakainit na nga ng panahon dahil summer na. Forget about the lugaw, the lomi and all the mainit na sopas. Itabi at ilagay muna natin sila sa kabinet ni lola. Make way for this Nesfruita cupped (googles kung valid word) dirty ice cream! Actually pwede kang pumili kay manong sorbetero kung saan mo gusto ipalagay ang ice cream. Sa regular cone ay P10.00, sa sugar cone naman ay P15.00, sa cup (see picture above) ay P20.00 at sa monay ni kuya naman ay P25.00.  Popular na flavor ngayon ay ang avocado.  Masarap talaga ang dirty ice cream, yung pagiging dirty nya talaga siguro ang sikretong sangkap. Iwasan lang bumili kapag kasama ang mga magulang dahil hindi ka nila papayagan, at takot sila sa pagtatae (sorry for the word) at cholera.      Sa totoo lang, hindi ako nakakain nitong ice scramble noong bata pa ko. Kasi nga sabi ng mga magulang ko (Hi mommy, daddy) ay madumi ito at kung saan-saan lang ginagawa. Pero eto nga, sa planggana nakalagay. Mukhang tama nga