Erras Ramen sa Malate

Itaas ang kanang kamay at kaliwang paa ng mga Ka-Eats diyan na nakatry na sa Erras Ramen (located at 1755 Adriatico Street, Malate). Sa mga hindi pa, ok lang naman, pero be sure na mapuntahan at matry nyo tong lugar na to. Daming tao o. (see picture above) 

Madali lang naman puntahan kung ikaw ay naka taxi or grab, pero basta makarating ka sa Robinsons Place Manila, walking distance na lang ang Erras mula dito. Magtanong-tanong na lang sa mga mamasang at mga sexy girls na nagkalat sa daan. (Magpigil muna na wag mahatak sa mga biglang liko dahil nga focus muna tayo sa Erras, okay?)
  

Pagkabigay saken ng menu, Vest Ramen in Town ang nakasulat. Di naman yan magiging VEST kung wala lang diba?  Bago ang ramen, syempre appetizer muna. Maraming choices. Lahat naman yan masarap kainin lalo na at sa tabi ng kalsada ang location. 


 Malutong at masarap ang chicken skin nila, paired with a special dip. (suka) at nagkakahalaga pala ito ng P60.00. Mga konting dasal na lang, pwede na ilaban sa balat ng chicken joy. Kapag naman mabitin at mahirapan hanapin sila kuya o ate na taga Erras, may mga naglalako ng chicharon, yosi, load, bahay at lupa, etc sa tabi-tabi. Taas lang po tayo ng kanang kamay at iwasang sumitsit (sumutsot?) para naman di tayo bastos kapag tatawag para umorder, okay?



Eto na. (drumrolls) Ang pinagmamalaki ng Erras na TANTANMEN. (Google na lang naten nang sabay-sabay ano ibig sabihin nito) Pero makikita naman natin (see picture above yung red bowl) na may nakalutang na baboy with taba (Nakakapanglaway!!!) nilagang itlog, nori, onion chives, and other spices. Yung noodles nya, hindi overcooked. Tamang-tama lang sa sabaw na mainit at maanghang (mataas na antas ng anghang) na swak na swak para masatisfy tayong mahihilig sa maanghang. Hindi ito kalevel ng Samyang (insert malutong na mura) kaya safe itong kainin at di mo mararamdamang nasa Extra Challange ka. P100.00 pala ang presyo netong napakasarap na ramen ng Erras. (Dati naabutan ko P80.00, baka apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin)

Mga Ka-Eats, kung pupunta kayo sa Erras ay magsama kayo ng mga kaibigan ninyo, or kung wala kayong kaibigan, maghatak na lang sa tabi-tabi sa Malate, marami naman willing sumama if the price is right. (LOL) May mga beer din pala kaya pwedeng maghappy-happy hanggang mag-umaga. (O-ha)

Comments

Popular posts from this blog

Iced Gems

Palamig sa Summer