Iced Gems

Flashback muna ang feels ngayon, mga Ka-Eats! Sino ba ang hindi nakakakilala sa iced gems na madalas nating baon sa school o pulutan habang nanonood ng Ghost fighter, Time quest, Remi, Heidi, Julio at Julia at Eat Bulaga?

Available ang iced gems sa mga suking tindahan lalo na sa mga bangketa o sa tabi-tabi ng mga tindahan ng mga pekeng cellphones at casing.

O, diba mga Ka-Eats, multi-colored na iced gems sa aking palad. Dali, takbo na at simulan ang paghahanap. Ganoon pa din ang lasa niya, masrap pa din. Hindi ito ang tipong biskwit na kadalasan ay binabalewala dahil sa mga palaman o sa mga matatamis na topping. Masarap (ulit-ulit lang?). Pinakamasarap ang kulay violet. (LOL)

Ang isang malaking pack nga pala ng iced gems ay nagkakahalaga ng P100. Sulit na kasi kalahating kilo! Imagine! (500grams para sa mga di nakakaalam :-( haha )

Comments

Popular posts from this blog

Palamig sa Summer

Erras Ramen sa Malate