Palamig sa Summer
Hi mga Ka-Eats, napakainit na nga ng panahon dahil summer na. Forget about the lugaw, the lomi and all the mainit na sopas. Itabi at ilagay muna natin sila sa kabinet ni lola. Make way for this Nesfruita cupped (googles kung valid word) dirty ice cream! Actually pwede kang pumili kay manong sorbetero kung saan mo gusto ipalagay ang ice cream. Sa regular cone ay P10.00, sa sugar cone naman ay P15.00, sa cup (see picture above) ay P20.00 at sa monay ni kuya naman ay P25.00.
Popular na flavor ngayon ay ang avocado. Masarap talaga ang dirty ice cream, yung pagiging dirty nya talaga siguro ang sikretong sangkap. Iwasan lang bumili kapag kasama ang mga magulang dahil hindi ka nila papayagan, at takot sila sa pagtatae (sorry for the word) at cholera.
Dalawang sizes lang available. Maliit (P15) at Malaki (P20) limang piso lang ang difference so dun na tayo sa maliit. Joke lang, sa malaki na syempre. Kitang-kita (see picture above ulit) na siksik at hitik sa (bunga) toppings ang ice scramble.
May marshmallows at powdered milk. Tinanong ko si kuya kung Nido ba ang gamit nya. Sabi nya (with a pinch of pagmamayabang) skimmed milk daw ang gamit nya, edi ano... okay. Ang sikreto ng masarap na ice scramble ay ang paglalagay ng powdered milk sa gitna bago punuin ang baso. Okay hindi na secret, sorry kuya. Panalo ang ice scramble ni kuya. Napakasarap, ang sarap gawing dextrose habang di pa natatapos ang summer.
Mga Ka-Eats, hanggang dito na lang muna ang mga pagkaing akma ngayong summer na makikita lang sa tabi-tabi. Sa Intramuros nga pala tong mga to, so kayo na bahala maghanap kasi wala naman silang pwesto, okay? Okay. Kbye.


Comments
Post a Comment